Saturday, December 4, 2010

Clean-up project sa Manila

                                           http://www.pemsea.org/images-1/news/icc_02.jpg

Libu-libong estudyante mula sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila ang lumahok sa manila clean-up project ng pamahalaang lungsod ng Maynila at Philippine Coast Guard (PCG).

Layon ng clean-up project na linisin ang Manila Bay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ngayong araw ng International Volunteers' Day ng United Nations (UN).

Sa isang pahayag ni UN Secretary General Ban Ki Moon na binasa ng kaniyang representative na si Dr. Jacqueline Badcock, pinasalamatan niya ang nasa 6,000 estudyante na dumalo sa proyekto at ang milyon-milyong iba pa sa iba't ibang panig ng mundo na nakikiisa sa kampanya ng UN para sa mas malinis na kalikasan.


                                                                                     http://www.dzmm.com.ph/tabid/83/Default.aspx

OPINYON
Sa aking palagay malaking bagay ang proyektong ito. Lalo pa at mga estudyante ang nanguna sa paglilinis ng Manila Bay. Isa ito sa malaking hakbang ng bawat Pilipino para mabawasan ang basura na kalat sa mga daan at mga basurang nakapagpapabara sa mga kanal na nagdudulot ng baha.


Sa inyong palagay, simula na ba ito upang matutuhan ng mga Pilipino na maglinis ng kanilang lugar? at huwag magtapon ng basura sa mga kanal o ilog?